Odyssey Logo

anaknialingjuana1's Profile > Blog Listing > Ang mga Ina at Anak ng Bayan

The following entry is listed as anaknialingjuana1's blog.

Ang mga Ina at Anak ng Bayan

Jul. 14, 2009 1:00 PM
Send this content directly to your Facebook friends:
Ang mga Ina at Anak ng Bayan

Pasan na krus ang pag-aalala
sa anak ng isang ina.
At sa tuwing may pagkilos sa Mendiola,
hindi mapigilan ang kabog ng kaba.

Ilang ina na ba ang nangatog sa takot
sa mga balita ng kabi-kabilang pagdukot?
Ilang ina na ba ang lumuha ng dagat
sa paghahanap sa anak na di na mahagilap?
Ilang ina na ba ang tinakasan ng bait
nang matikman ang katotohanang walang kasing pait?

Pasan ang daigdig
ng anak na tumindig para sa masa.
At sa huling araw ng gera sa Mendiola
ay simula ng kalayaan at demokrasya.

Ilang anak na ba ang nakibaka at 'di natakot
sa pagpupunyaging baguhin ang lipunang buktot?
Ilang anak na ba ang natuyuan na ng luha
sa pagkamanhid ng katawan sa bugbog at pasa?
Ilang anak na ba ang walang awang pinaslang
pagkat sila'y nabuhay para sa paglaya ng bayan?



maryjane belloca alejo

painting by ilonggo artist joseph firmeza
currently on display with the "ina/ani: (re)presenting women in the age of crisis", an art exhibition at the podium

Comments